Sana I Belong to the Zoo Lyrics HD

39 thoughts on “Sana I Belong to the Zoo Lyrics HD

  1. [Intro]

    I.

    Umuwi lang tila bang lahat ay nagbago na

    Nawalan na ng sigla ang iyong mga mata

    Ngayon ko lang naramdaman ang lamig ng gabi

    Kahit na magdamag na tayong magkatabi

    (Pre-Chorus)

    Bakit ka nag-iba

    Meron na bang iba

    (Chorus)

    Sana sinabi mo, para 'di na umasang may tayo pa sa huli

    Sana sinabi mo, hahayaan naman kitang sumaya't umalis

    Sana sinabi mo, para 'di na umasang may tayo pa sa huli

    Sana sinabi mo, hahayaan naman kitang umalis

    Umalis..

    II.

    Binibilang ang hakbang hanggang wala ka na

    Nagbabakasakaling lilingon ka pa

    Hindi na ba mababalik ang mga sandali

    Mga panahong may lalim pa ang iyong ngiti

    (Pre-Chorus)

    Bakit ka nag-iba

    Meron na bang iba

    (Chorus I)

    Sana sinabi mo, para 'di na umasang may tayo pa sa huli

    Sana sinabi mo, hahayaan naman kitang sumaya't umalis

    Sana sinabi mo, para 'di na umasang may tayo pa sa huli

    Sana sinabi mo, hahayaan naman kita

    (Chorus II)

    Sana sinabi mo, para ang mga ayaw mo'y aking iibahin

    Diba sinabi mo, basta't tayong dalwa'y sasaya ang mundong mapait

    Diba sinabi ko, gagawin kong lahat upang tayo parin sa huli

    Biglang nalaman ko, may hinihintay ka lang palang bumalik

    Sana sinabi mo, dahil 'di ko alam, ano bang nagawa kong mali

    Sana sinabi mo, para 'di na umibig ang puso ko muli

    Sana sinabi mo, para 'di na umasang may tayo pa sa huli

    Sana sinabi mo, hahayaan naman kita

    Sana sinabi mo, para 'di na umasang may tayo pa sa huli

    Sana sinabi mo…

  2. Lilipas dn ang lahat. Walang ligaya na pang habang buhay at ganun din ang kalungkutan, hindi rin ito nagtatagal. Kapag masaya ka, namnamin mo at kapag ikaw ay nabigo, okay lang na iyakan yan. Mas makakagaan kung ilalabas mo ang luha mo. Hindi naman habang buhay na papahirapan ka nyan na mali sa inaakala mo na habang buhay ito magpapahirap sayo.

    Isa lang ang tingin ko ang nagtatagal ng habang buhay, bills sa bahay. Kaya magbtrabaho, keep going lang.

  3. i feel this song ganitong ganito talga yong nangyari sakin
    masaya pa kami sa simula
    pero iniwan nalang niya ko bigla
    pero ito lang masasabi ko sa mga babaeng mahilig mang iiwan
    pati narin sa mga lalaki
    nasahuli ang pagsisisi kaya if you love someone keep it hanggang kamatayan
    kung makakaya pa nman??

  4. wag mo ibigay lahat kasi ganon din kasakit kapag iniwanan ka😒😒😒😒😒😒

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *